Enrile binusalan ng chief of staff
MANILA, Philippines - Nagmistulang makapangyarihan pa kay Senate President Juan Ponce Enrile ang chief of staff nitong si Atty. Gigi Reyes matapos pigilan kahapon ang senador na magsalita tungkol nangyari sa all majority caucus kung saan pinag-usapan ang chairmanship ng mga pinag-aagawang komite.
Natiyempuhan kahapon si Enrile ng PSN at ng mga reporters ng Manila Bulletin at DWIZ at tinanong tungkol sa nangyaring caucus kung saan magpapa-unlak na sana ng interview ang Senate President.
Nagsisimula nang magsalita si Enrile nang biglang sumulpot si Reyes mula sa likuran habang naglalakad palabas ng plenary hall at sinabing “wala muna, wala muna”.
Lingid sa kaalaman ni Reyes, naka-live noon sa DWIZ ang nasabing interview sana sa Senate President kaya dinig na dinig sa ere ang ginawa nitong pagpigil sa pagsasalita ng lider ng Senado.
- Latest
- Trending