^

Bansa

Barko pinasabog, 16 Pinoy sugatan

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang oil tanker sakay ang may 31 crew kabilang ang 16 tripulanteng Pinoy ang pinasabog ng mga pirata habang naglalayag sa karagatan ng Oman kahapon.

Ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga tripulanteng Pinoy at kasamahang 15 Indian crew nang atakihin ang sinasakyang oil tanker na M. STAR na inooperate ng Mitsui O.S.K Ltd ng Japan.

Ang nasabing barko na may kargang 270,204 tonelada ng langis ay patungo sa Chiba port sa Tokyo nang maganap ang insidente. Dakong alas 12;30 ng madaling-araw umano nang maganap ang pag-atake at pagsabog habang naglalayag sa Hormuz strait.

Bagaman napinsala, sinabi ng nasabing manning agency na walang naganap na pagtagas sa kargang langis ng barko.

AYON

BAGAMAN

DAKONG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HORMUZ

ISANG

K LTD

MITSUI O

OMAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with