MANILA, Philippines - Kapit-tuko umano sa puwesto ang dating NAIA general manager at kasalukuyang director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na si Alfonso Cusi sa kabila ng panawagan ng ibat ibang grupo na magbitiw na ito sa kanyang puwesto dahil sa umano’y pagiging midnight appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ika-3 ng Marso, 2010 ng italaga si Cusi bilang GM ng CAAP ni Pangulong Arroyo kung kaya hindi natuloy ang kandidatura nito sa pagka Congressman ng Occidental Mindoro?.
May hinala umano ang ibat ibang grupo na kaya itinalaga si Cusi ng administrayong Arroyo ay upang mapagtakpan nito at hindi masilip ang mga kuwestyunableng multi million dollar project sa mga Civil Aviation equipment na pinasok ng nakaraang administrasyon.?
Ilan sa mga proyekto umano ay ang tinawag na Japan loan na nagkakahalaga ng US$260 million para sa navigational equipment para sa mga airports sa bansa.?
Nasangkot din umano si Cusi sa umano’y pagdukot kay NBN-ZTE whistle blower na si Jun Lozada noong nasa kasagsagan ng imbestigasyon ng NBN-ZTE deal habang siya ang tumatayong head ng NAIA.?