'Pentagon style AFP' nais ni P-Noy
MANILA, Philippines - Modernong Armed Forces na ala-Pentagon ng Estados Unidos ang nais ni Pangulong Noynoy Aquino na magkaroon ang Pilipinas kaugnay ng planong pagbebenta ng $100M sa tanggapan ng Philippine Navy at iba pang kampo ng militar.
Sa kaniyang SONA, sinabi ni PNoy na ipagbibili o parerentahan sa halagang $100-M sa mga dayuhang counterparts, mga lokal na dayuhang mamumuhunan ang tanggapan ng Navy sa Roxas blvd. at maging ang Naval Station sa Fort Bonifacio.
Pinaplano ni P-Noy na pag-isahin na lamang sa Camp Aguinaldo ala Pentagon style ng Amerika ang mga kampo ng militar na kinabibilangan ng tatlong major service commands - Navy, Air Force at Army. (Joy Cantos/with trainees Rafael Zapanta/Joy Mondero)
- Latest
- Trending