Wawa river iniaalok na pagkunan ng tubig para sa MM
MANILA, Philippines - Iniaalok ngayon ng developer ng Wawa River sa pamahalaan na gamitin ang naturang “watershed” bilang isa pang pagkukunan ng inuming tubig na isu-suplay sa Metro Manila lalo ngayong nakakaranas ng kakapusan ng suplay.
Sinabi ni San Lorenzo Ruiz Water Development Corporation (SLRWDC) president Oscar Violago na may 400,000 tankers o 1,500 million liters per day (mld) ng tubig kada araw ang maaaring isuplay ng Wawa river watershed kung madedebelop ito bilang isang dam.
May 17 taon na umano ang kanilang proposal ngunit hindi ito napapansin. Inakusahan ni Violago ang kasalukuyang mga kumpanya ng tubig na hinaharang ang kanilang proposal na siya sanang reresolba sa problema sa kakapusan sa tubig.
Sinabi naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na posible ang naturang proposal ng SLRWDC na pagkunan ng tubig ang Wawa River ngunit may mga problemang kinukunsi dera kaya hindi ito magawa.
Kabilang ang impormasyon na nasa “faultline” ang Wawa river watershed” kaya mapanganib ang pag tatayo ng dam; marumi ang tubig na nanggagaling sa ilog dahil nasa itaas nito ang isang malaking piggery at mga kabahayan ng tao at may matagal nang usapin sa “water rights” ang natu rang lugar.
- Latest
- Trending