^

Bansa

Trillanes kulong pa rin!

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi na makakadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangu­long Benigno Aquino III at makakaboto ng bagong Senate President sa pag­bubukas ng Kongreso si Senador Antonio Trilla­nes IV makaraang ibasura ng Makati Regional Trial Court ang kahilingan nito na ma­kalabas ng bilang­guan.

Sa inilabas na desis­yon ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel ng Branch 148, ikinatuwiran niya na “security risk” o lubhang mapanganib ang pagbi­bigay ng seguridad kay Trillanes kung bibiyahe pa patungong Senado mula sa PNP detention cell sa Camp Crame.

Bagama’t malungkot sa naging desisyon ng korte, sinabi ni Atty. Rey­naldo Robles, abogado ni Trillanes na agad silang maghahain ng motion for reconsideration sa pag-asang mabaligtad pa ang desisyon bago ang pagbu­bukas ng sesyon ng 15th Congress.

Sinabi ni Robles na isang beses lamang sa loob ng tatlong taon nag­bubukas ang sesyon kaya’t nakapanghi­hina­yang naman na hindi ma­kadalong muli rito ang kan­yang kliyente na pitong taon nang nakabilanggo.

Kinontra naman nito ang katwiran ng korte na “security risk” ang pagpa­pa­labas kay Trillanes dahil sapat naman ang ibini­bigay na seguridad ng PNP habang may mga na­katalaga ring tauhan ng Office of the Sgt-at-Arms sa Senado na may kaka­yanang magbigay ng se­gu­ridad sa mga Senador.

Ipinaliwanag ni Robles na hindi maaaring maging basehan ng korte ang na­unang  pagbasura sa na­unang Omnibus Motion ng kanyang abogado dahil kaiba naman ito sa inihain nilang kahilingan na du­malo lamang sa pagbu­bukas ng sesyon.

Sinabi ni Robles na ang blanket omnibus motion na unang tinanggihan ng korte ay sumasaklaw sa kahilingan ni Trillanes na makadalo siya sa lahat ng isasagawang committee hearing, sa lahat ng ses­yon at makapagsa­gawa ng press conference kasama ang mga mama­mahayag na nakatalaga sa Senado.

Bukod sa walang pi­yansa ang kaso ng kudeta na kinahaharap ni Trillanes sa Makati RTC, nahaharap din ang Senador sa Ge­neral Court Martial (GCM) ng AFP kabilang ang pag­labag sa Articles of War (AW) 96 ‘conduct unbecoming of an officer and a gentleman‘, AW 97 conduct prejudicial to good order and military discipline at iba pa.

Magugunita na si Tril­lanes ay kabilang sa hard­core na mga lider ng Mag­dalo Group na na­nguna sa pag­sakop sa Oak­wood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003 sa bigong desta­bilisasyon laban sa admi­nistrasyon ni dating Pa­ngu­long Gloria Macapagal Arroyo.

Muling nasangkot sa paga-aklas si Trillanes at iba pang opisyal sa siege sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City noong Nob. 29, 2007.

ARTICLES OF WAR

BENIGNO AQUINO

CAMP CRAME

COURT MARTIAL

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

JUDGE OSCAR PIMENTEL

MAKATI CITY

SENADO

SHY

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with