NAIA employees binigyan ng libreng AH1N1 vaccine

MANILA, Philippines - Dahil nauuso na naman ang sakit na AH1N1, nagbigay ng libreng bakuna ang Department of Health (DOH) sa may 750 government employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tinaguriang mga frontliners ng paliparan.

Sinabi ni Dr. Federico Castillo, hepe ng Quarantine sa airport, binigyan ng gobyerno ng libreng bakuna ang mga taga-NAIA para magkaroon agad ang mga ito ng proteksyon sa kanilang mga sarili la­ban sa nakakamatay na AH1N1.

Ayon kay Castillo, kung sila ang bibili ng gamot na panlaban sa nasabing sakit ay gagastos sila ng P800 kada turok puwera pa ang presyo ng karayom na gagamitin nila.

Show comments