Bagong poster ng most wanted kidnappers inilabas ng PNP

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng pinakabagong poster ng mga most wanted kidnappers sa bansa ang Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng isang babae.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., ito na ang pagkakataon ng sinumang indibidwal na maging instant millionaire sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga wanted kidnappers na nasa updated poster ng PNP.

Nangunguna sa talaan ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon na aabot sa P250 milyon ang reward kasunod ang isa ring lider ng Sayyaf na si Radullan Sahiron alyas Commander Putol na may P10 milyon habang pinakamaliit naman ang reward ni Richard Gulfan, miyembro ng isang kidnap for ransom gang na nasa P100,000.

Target din ng PACER ang nag-iisang babaeng si Susette See Wang, may reward na P300,000.

Show comments