Illegal recruiter hinostage ng 10 OFWs sa Macau!
MANILA, Philippines - Dahil sa panloloko, isang illegal recruiter ang hinostage ng 10 Pinoy sa bansang Macau.
Sa naantalang report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs kahapon, pinangakuan ng trabaho ng isang hindi pinalanganang recruiter sa Macau ang 10 Pinoy.
Matapos magbigay ng malaking halaga, ang mga biktima ay sinamahan at nanatili sa San Ma Lou, Macau at halos dalawang buwan naghintay, ngunit wala namang nakuhang job placement ang recruiter.
Dahil sa matinding galit ay pinigil ng mga Pinoy ang kanilang recruiter sa bahay na kanilang tinutuluyan kung saan sila stranded kaya nag-report ang recruiter sa Macau Police na siya (recruiter) ay hinostage.
Dahil posibleng dumanak ang dugo sa pagresponde ng Macau Police ay ilan sa mga biktima ang dumulog sa Konsulado Heneral kaya’t agad nakipag-ugnayan ang kinatawan ng Konsulado sa pulis, immigration, at judiciary ng Macau kasama ang mga biktima at suspek para maimbestigahan ang mga reklamo.
Nitong Hulyo 9 ay napauwi sa Pilipinas ang mga OFWs matapos na mapilit na sagutin ng recruiter ang mga return airline tickets ng mga biktima at mabayaran ng paunang halaga ang mga kaanak sa Pilipinas sa nakuhang kabayaran ng recruitment fees.
- Latest
- Trending