^

Bansa

'War hero' nahirang na Army Chief

-

MANILA, Philippines - Nahirang na susunod na Army Chief ang kauna-unahang Medal of Valor Awardee na si Major General Arturo Ortiz matapos na aprubahan ni Pangulong Aquino ang pagtatalaga sa 12 senior officers sa ikatlong bugso ng rigodon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Ortiz, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’79 ang hahalili kay Lt. Gen. Reynaldo Mapagu mula sa Class ’78. Si Mapagu ay iluluklok naman bilang AFP Vice Chief of Staff o no. 2 man ng AFP kapalit ng nagretiro ng maaga na si Lt. Gen. Nestor Ochoa.

Sa rekord ng Philippine Army si Ortiz ay pinarangalan ng “Medal of Valor” sa ipinakita nitong kabayanihan ng buong giting na makipagpalitan ng putok sa may 200 rebeldeng NPA sa Sitio Wanepolon, Brgy. Pandaran, Murcia, Negros Occidental noong Abril 6, 1990 bilang Commander ng 606th Special Forces Company at ng CAFGU elements kung saan 85 rebelde ang napaslang sa 2 oras na bakbakan. (Joy Cantos with trainees Rafael Zapanta/Mary Joy Mondero)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CHIEF

JOY CANTOS

MAJOR GENERAL ARTURO ORTIZ

MARY JOY MONDERO

MEDAL OF VALOR

MEDAL OF VALOR AWARDEE

NEGROS OCCIDENTAL

NESTOR OCHOA

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with