^

Bansa

2 Pinay kinatay, sinagasaan sa Kuwait

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang kinatay ng sariling asawa bunga ng matinding selos habang tinorture at itinapon sa dis­yerto ang isa pa sa magkahiwalay na insidente sa Kuwait.

Sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs, kinilala ang mga OFWs na sina Morhaisa Nasa Andao, 32, tubong Cotabato at Asria Samad Abdul, 34, ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Natagpuan ang bangkay ni Andao sa loob ng isang salon sa Jabriya na tadtad ng 31 saksak mula sa asawang Egyptian na si Attalla Mohammad. Narekober ng Kuwaiti Police ang patalim na ginamit ng Egyptian at ang tsinelas ng suspek.

Nabatid na kadarating lamang ni Andao sa Kuwait matapos na magbakasyon sa Pilipinas at naiwan nito ang kanyang tatlong anak sa kanyang mga kamag-anak sa Cotabato.

Madalas umanong binubugbog ni Mohammad si Andao kaya nais ng biktima na iwanan na ang asawa.

Ayon kay Vice Concul rea Oreta, nakikipag-ugna­yan na ang Embassy officials sa mga awtoridad at sa Foreign Ministry ng Kuwait para sa agarang ikadarakip ni Mohammad.

Samantala, natagpuan ang bangkay ni Abdul sa disyerto ng Kabd matapos na brutal na patayin ng mag-asawang Egyptian-Kuwaitis.

Sa isinagawang pagsisiyasat, dinala ng mag-asawa ang Pinay sa disyerto at dito siya tinorture sa pamamagitan ng paggamit ng sasakyan at habang nagmamakaawa ay paulit-ulit na sinagasaan.

Agad namang na­ares­to ng Kuwaiti Police ang Egyptian couple at umamin sa ginawang pamamaslang sa Pinay. Hindi naman binanggit ang motibo sa pamamaslang.

Sinampahan na ng kasong pagpatay sa Ahmadi court ang mag-asawa.

vuukle comment

ANDAO

ASRIA SAMAD ABDUL

ATTALLA MOHAMMAD

COTABATO

DATU ODIN SINSUAT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN MINISTRY

ISANG PINAY

KUWAITI POLICE

MOHAMMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with