^

Bansa

Anti-corruption drive ni P-Noy sinuportahan

- Ni Rudy Andal -

Malolos, Bulacan, Philippines – Sinuportahan ng Bantay Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan (Lakap-Bayan) ang programa ni Pangulong Benigno Aquino III laban sa corruption.

Ayon kay Lakap-Ba­yan chairman Jan Allan Marcelino, matagal nang nakamasid ang kanilang grupo sa gobyerno mula sa Ramos hanggang Arroyo administration kaya naniniwala sila sa slogan ni P-Noy na ‘walang mahirap, kapag walang corrupt’.

Sinabi ni Marcelino, ang kanilang samahan ay binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng Presidential Security Group, AFP at National Intelligence Coordina­ting Agency (NICA) na seryosong tutulong saPangulo sa paglaban sa katiwalian.

“Tututukan namin ang mga itatalaga ni Pangulong Aquino sa pamahalaan lalo ang mga batid naming sangkot sa narco politics. Lalo ang mga mambabatas at local officials na sangkot umano sa pag-areglo sa kaso ng kilalang rice at suspect drug smuggler na si Kim Wong,” giit pa ng sa­mahan.

Unang kinondena ng grupo ang pakikialam umano ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa pagtatalaga sa mga alipores ni Sen. Panfilo Lacson sa gobyerno.

May natanggap ding intelligence report ang grupo na nagbago na ng kanyang testimonya si dating Supt. Cesar Mancao laban kay Lacson na sinasabing ang ginamit daw na liaison ay si SPO4 Bacolod.

Siniguro ng grupo na babantayan nila ang mga iniluklok ni P-Noy sa ibat ibang posisyon sa gobyerno para masiguro na matutupad ang kanyang pangako na “daang matuwid”.

BANTAY BAYAN LABAN

CESAR MANCAO

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

JAN ALLAN MARCELINO

KIM WONG

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINA

P-NOY

PANFILO LACSON

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with