^

Bansa

Stradcom hinamon sa interconnectivity fees

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hinamon ng Private Emission Testing Center Owners Association (PET COA) ang Stradcom Corporation, ang IT provider ng Land Transportation Office (LTO) na sagutin ang mga katanungan hinggil sa legal issues ng interconnectivity fees na sinisingil nito sa taumbayan laluna sa mga motorista na nagiging ugat ng kahirapan ng maraming mamamayan.

“We challenge Strad­com on its next full page advertisement to answer the above issues and not fool the public by claiming that it is a victim of black propaganda. It must be brave enough to provide valid answers to the valid issues we raised” pahayag ni Tony Halili, pangulo ng Petcoa.

Sinabi pa nito na dapat linawing mabuti ng Strad­com Corp. kung ano ang mga legal na basehan nito kung bakit patuloy nani­ningil ng interconnectivity fee sa taumbayan sa halip na ayusin na lamang ang serbisyo nito sa publiko.

Binigyang diin ni Halili kung bakit gamit ng Strad­com ang database ng LTO sa pagsingil ng inter­con­nectivity fee sa LTO, LTFRB at MMDA gayundin sa insurance at iba pa gayung ang nakokolekta nila dito ay hindi napupunta sa pamahalaan kundi sa kanilang kumpanya lamang.

Ilang sector na ang nagsasabi na ang pagko­lekta ng Stradcom sa inter­ connectivity fees ay walang legal basis.

BINIGYANG

HALILI

HINAMON

ILANG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PETCOA

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER OWNERS ASSOCIATION

SHY

STRADCOM CORPORATION

TONY HALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with