MANILA, Philippines - Suportado ng pamahalaan ng Belgium ang Laguna de Bay Rehabilitation Project na idinisenyo ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC).
Ayon sa BDC, ginawa ang negosasyon para sa proyekto sa Belgium makaraang ang kumpanya ay magsagawa ng siyentipikong pag-aaral sa lawak ng siltation sa 94,900-ektaryang lawa, ang ikatlong pinakamalaki sa Asya.
Ang proyekto ay suportado ng Brussels, sa pamamagitan ng Office National Du Ducroire-Nationale Delcrederedienst (OND), ang Export Credit Agency ng gobyerno ng Belgium.
Kinumpirma din ng Department of Finance (DOF) na garantisado ng OND ang loan at ang kabuuang approved cost na 273 million euro, o P18.523 billion noong Oktubre 2009, ay ipi-finance ng OND.
Ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi gumugol kahit isang sentimo para sa analysis ng lake bed at sa sampling ng sediments upang malaman ang lawak ng kontaminasyon ng industrial at agricultural effluents.
Idinagdag ni Detilleux na ang kumpanya niya lamang ang tanging nakapag-package ng “feasible project” para sa lawa, na isa ding catch basin na maa aring makapagligtas sa Kalakhang Maynila sa pagbaha, at maaaring makapagpainam sa kalidad ng tubig sa lawa, na kapag lumaon ay posibleng pagkunan ng inuming tubig para sa 14 milyong residente ng metropolis lakeshore areas .