Sentimyento ng mga tsuper, driver posibleng maisingit sa SONA
MANILA, Philippines - Posibleng mabigyang daan ni Pangulong Aquino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang sentimyento ng mga tsuper at driver sa bansa matapos matanggap ng Malacañang ang talaan ng “wish list” ng militanteng transport group sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide.
Ayon kay Goerge San Mateo, secretary-general ng PISTON, ang kanilang wish list ay naglalaman ng mahahalagang isyu at kahilingan ng transport sector na nais nilang mapatupad at mabigyang-pansin ni Pangulong Aquino.
Laman ng wish list ng Piston ang pagkansela at permanenteng pagbasura sa iligal at money-making na Radio Frequency Identification (RFID) Project ng Stradcom gayundin ang pagrepaso sa kontrata nito sa LTO at sa lahat ng maanomalyang proyektong pinapasok sa LTO at sa LTFRB na umano’y pahirap sa mga tsuper at publiko.
Nais din nilang mailagay sa ayos ang pagpapatupad ng Clean Air Act, pagbasura sa Oil Deregulation Law at ipatupad ang regulasyon sa petrolyo at huwag payagang maipatupad ang 250% tax sa toll fee.
Gayundin ang pagkansela at pagbasura ng sa DOTC Department Order 2008-39 na nagpataw sa mga tsuper at operators ng di-makatarungang matataas na multa at napakahabang suspension period sa traffic violation.
- Latest
- Trending