MANILA, Philippines - Nakahanda ang Petron Philippines na bayaran ang anumang danyos na nangyari sa mga mangingisda at sa Philippine Coast Guard kasunod nang naganap na leak ng kanilang LPG sa karagatan sakop ng Rosario, Cavite.
Sinabi Charmaine Cannilas, Public Affairs officer ng Petron Phils. sa ginanap na pulong sa Balitaan sa Dapitan, nakatakda silang makipag-usap ngayon sa mga miyembro ng Pambansang Lakas ng Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) gayundin sa PCG para alamin ang mga pinsala na nagawa nang nangyaring leak ng kanilang tubo sa Cavite.
Unang binatikos ng PAMALAKAYA ang Petron dahil sa umano’y nawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda sa lugar matapos na mangyari ang oil spill.
Sa panig naman ng PCG, sinabi ni spokesman Lt. Commander Armand Balilo na ido-double check nila muli kung talagang wala nang tumatagas sa tubo para makatiyak na wala nang magiging problema sa posibleng oil spill.
Susumahin pa ng PCG bago pabayaran sa Petron ang pondong kanilang unang nagugol para mapigilan ang paglawak ng pinsala sa tumagas na tubo.