^

Bansa

'Super Body' vs media killings

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Umaasa ang National Press Club (NPC) na ikukunsidera ng Department of Justice (DOJ) ang panukalang pagbuo ng “Super Body” na siyang tututok sa mga insidente ng pagpatay sa mga miyembro ng media.

Sa liham na isinumite ng NPC kay Justice Secretary Leila de Lima, iminungkahi nito ang pagbuo ng Super Body laban sa media killing at media killers.

Sinabi ni NPC President Jerry Yap, ang panukalang Super Body ay kahalintulad ng operas­yon ng kasalukuyang Task Force 211 ngunit mas magiging malawak lamang ang saklaw nito, bukod pa sa malawakang partisipasyon ng media bilang miyembro.

Batay sa proposal, ang komposisyon ng Super Body ay pamumunuan ng State Prosecutors mula sa DOJ, detectives and investigators na mi­yembro ng NBI at PNP, at Network of media men.

Ang nakatalagang prosecutors at investigators ay kailangan umanong magbigay ng weekly reports sa mamamahayag na miyembro ng body samantalang ang network of media ay may kapangyarihan na makapagtanong sa local prosecutors na may hawak sa kaso.

Sa record ng NPC halos 104 journalists ang napatay sa nakaraang dekada subalit hindi na­bigyan ng hustisya ang mga ito, kabilang ang 32 journalist na biktima na Maguindanao massace at 3 pang napatay limang araw bago ang panunumpa ni Pangulong Noynoy Aquino.

vuukle comment

BATAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAGUINDANAO

NATIONAL PRESS CLUB

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENT JERRY YAP

STATE PROSECUTORS

SUPER BODY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with