MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Justice Secretary Leila de Lima sa lahat ng Provincial at City Prosecutors na magtalaga ng isang piskal na tutulong sa paghawak ng insidente ng political or media killing na nasa kanilang hurisdiksyon.
Sa ipinalabas na Memorandum Circular no. 4 ng Kalihim, nakasaad na isang piskal ang tutulong sa PNP o sa ibang law enforcement agencies sa simula pa lamang ng imbestigasyon hanggang sa matapos ang criminal proceedings.
Bukod sa Piskal na tutulong sa imbestigasyon ng PNP, isa pang Piskal ang itatalaga para naman humawak sa preliminary investigation ng kaso upang manatiling parehas at maiwasan ang pagiging bias.
Ipinalabas ni de Lima ang kautusan matapos ang pitong insidente ng umano’y political at media killings na naganap sa Kalinga, Masbate, Aklan, Camarines Sur, Nueva Ecija at Bataan.
Paliwanag ng Kalihim, ito ang siyang magiging Standang Operatiing Procedure (SOP) sa imbestigasyon at resolusyon ng mga kasong may kaugnayan sa political at media killings.