^

Bansa

Pinay patay sa sunog sa Iraq

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines – Isang Pinay engineer ang kabilang sa 30 katao na kumpirmadong nasawi sa isang sunog sa isang 5-storey hotel sa northern Iraq noong Huwebes.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang biktima na si Maricar Cente, isang empleyado ng Asiacell Mobile Company na nakabase sa Sulaimania City sa Kurdish region sa Iraq.   

Ayon kay Ed Malaya, tagapagsalita ng DFA, dalawa pang OFW na sina Joshua Ermitano at Richie Salceda ang nakaligtas sa sunog, Si Ermitano ay nabalian ng hita at nakaratay pa sa ospital habang pinalabas na sa pagamutan si Salceda na bahagyang napaso ang katawan.

Bukod sa Pinay, tatlo pang engineer ang nasawi na mula sa Iraq, Sri Lanka at Cambodia na nagtatrabaho sa isang oil company. Kabilang din sa 14 dayuhan na nasawi ay nagmula sa Bangladesh, Ethiopia, Canada, Ecuador, Venezuela at China na naka-check-in sa nasunog na Soma Hotel.

Karamihan sa mga biktima ay napilitang tu­ma­lon sa nasabing limang palapag na gusali upang makaiwas sa naglala­gablab na apoy subalit tatlo sa kanila ang minalas na masawi bunga ng pagkadurog ng kanilang katawan sa matinding pagbagsak sa lupa.

May apat pang mga bata ang nalitson sa sunog na nagsimula sa katabing furniture shop.

ASIACELL MOBILE COMPANY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ED MALAYA

ISANG PINAY

JOSHUA ERMITANO

MARICAR CENTE

RICHIE SALCEDA

SI ERMITANO

SOMA HOTEL

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with