^

Bansa

Binay bagong Housing Czar, Gov. Lacson bagong GSIS chairman

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III bilang ba­gong Housing Czar si Vice President Jejomar Binay habang itinalaga na­ mang chairman ng Go­vernment Service Insu­rance System (GSIS) si dating Negros Occi­dental Gov. Daniel Lac­son habang itinalaga bilang chief negotiator sa MILF peace talks si UP Law Dean Marvic Leonen.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa chance interview sa pagdalaw nito sa burol ng 3 sundalo na nasawi sa NPA ambush sa Mountain Province, pinag-aaralan pa niya ang puwedeng pumalit sa posisyon ni GSIS pre­sident at general ma­nager Winston Garcia.

Inatasan ni Aquino si Lacson na tutukan ang mga problema ng GSIS partikular ang mga rek­lamo ng mga miyembro nito kaugnay sa pama­malakad at financial status nito.

Sinabi ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles, ang magiging mi­yembro ng GRP panel ay ihahayag ni Pangu­long Aquino sa susunod na mga araw.

Wika pa ni Sec. Deles, bubuo din sila ng bagong advisory council na ang komposisyon ay mga constitutional experts, dating mahis­trado at dating chief negotiators para makabuo ng bagong stratehiya at magrerebyu ng mga dating rekomendasyon para sa ikakatagumpay ng peace talks.

Idinagdag pa ni Deles na inaasahan nilang magiging coo­perative din ang MILF panel sa panunumbalik ng peace talks.

Ikinatuwa naman ni P-Noy ang pagtanggap ni Binay bilang HUDCC chief.

vuukle comment

AQUINO

DANIEL LAC

HOUSING CZAR

LAW DEAN MARVIC LEONEN

MOUNTAIN PROVINCE

NEGROS OCCI

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER TERESITA DELES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with