^

Bansa

Libreng kolehiyo para sa mahihirap bukas na

-

MANILA, Philippines - Inaasahang tataas pa ang kalidad ng pamamahayag sa bansa sa mga darating na panahon sa pagbubukas ng isang kolehiyo na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mahihirap sa kursong journalism at iba pang mga vocational courses.

Ang La Verdad Christian College (LVCC) na matatagpuan sa Lungsod Caloocan, ay katuparan ng pangarap na libreng edukasyon para sa mahihirap ni evangelist Bro. Eli Soriano at ng kanyang pamangkin at broadcast journalist na si ‘Kuya’ Daniel Razon ng UNTV.

“Inaasahan namin na madagdagan pa ang aming mga scholars sa mga darating na panahon,” masayang pahayag ni Kuya Daniel. “Sa aming kolehiyo sa Pampanga ay mayroon na kaming halos 200 scholars at dito naman sa binuksan naming kolehiyo sa Caloocan ay mayroon na agad na 150 scholars.”

Aniya, ang mga mapapalad na mag-aaral ay kukuha ng 4-year bachelors course in broadcast journalism habang may 2-taong kurso rin para sa Health Care Service at Mass Communication and Media Technology.

Ang libreng edukasyong itinataguyod ng LVCC ay bahagi ng misyon ni Bro. Eli at ng kanyang ministro, ang Members Church of God International (MGCI) na mas kilala bilang Ang Dating Daan (ADD), kasama ang UNTV, na mabigyan ng pag-asa at magandang kinabukasan ang mga mahihirap na Pilipino.

vuukle comment

ANG DATING DAAN

ANG LA VERDAD CHRISTIAN COLLEGE

ANIYA

DANIEL RAZON

ELI SORIANO

HEALTH CARE SERVICE

KUYA DANIEL

LUNGSOD CALOOCAN

MASS COMMUNICATION AND MEDIA TECHNOLOGY

MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with