MANILA, Philippines - Nananatiling pinakamapanganib na sasakyan ang motorsiklo sa bansa batay sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH).
Ayon sa National Electronic Injury Surveillance System (NEISS) ng DOH, umaabot sa 3,077 vehicular accident ang naitala sa 77 government at private hospitals sa buong bansa sa loob lamang ng tatlong buwan ngayon taon.
Batay sa NEISS, ang motorsiklo ang karaniwang mode of transportation ng mga nasusugatan o nagiging biktima ng aksidente.
Nakasaad din sa report na 55.4% ang sugatan mula sa motorcycles habang ang 15.1% ay pasahero ng mga pampublikong sasakyan, cargo trucks at bus.
Karamihan o 99% ng mga biktima ay nabubuhay sa ospital habang 66% ng nairereport ay namamatay.
Sinasabing pagkalango naman sa alak ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye.
Lumilitaw din na nakatutulong ang paggamit ng helmet upang maiwasan ang vehicular accidents.
Dahil dto, umapela ang DOH sa mga mambabatas na agarin ang pagpasa ng batas hinggil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng helmet.