^

Bansa

Motorsiklo, pinakamapanganib na sasakyan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nananatiling pinakamapanganib na sasakyan ang motorsiklo sa bansa batay sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH).

Ayon sa National Electronic Injury Surveillance System (NEISS) ng DOH, umaabot sa 3,077 vehicular accident ang naitala sa 77 government at private hospitals sa buong bansa sa loob lamang ng tatlong buwan ngayon taon.

Batay sa NEISS, ang motorsiklo ang karaniwang mode of transportation ng mga nasusugatan o nagiging biktima ng ak­sidente.

Nakasaad din sa report na 55.4% ang sugatan mula sa motorcycles habang ang 15.1% ay pasahero ng mga pampublikong sasakyan, cargo trucks at bus.

Karamihan o 99% ng mga biktima ay nabubuhay sa ospital habang 66% ng nairereport ay namamatay.

Sinasabing pagkalango naman sa alak ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye.

Lumilitaw din na naka­tutulong ang paggamit ng helmet upang maiwasan ang vehicular accidents.

Dahil dto, umapela ang DOH sa mga mambabatas na agarin ang pagpasa ng batas hinggil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng helmet.

vuukle comment

AYON

BATAY

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

KARAMIHAN

LUMILITAW

NAKASAAD

NANANATILING

NATIONAL ELECTRONIC INJURY SURVEILLANCE SYSTEM

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with