SK registration binago na naman
MANILA, Philippines - Muli na namang binago ng Commission on Elections ang registration date para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections, at itinakda ito sa buwan ng Agosto.
Batay sa Comelec Resolution No. 9004, idaraos ang pagpapatala para sa mga Pinoy na nasa edad 15-17 taong gulang, mula Agosto 6 hanggang 15, para mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na makaboto sa sa SK elections na isasagawa sa Oktubre 25.
Ang voters’ registration ay 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi sa lahat ng Office of the Election Officer sa mga siyudad o munisipalidad, na malapit sa tirahan ng botante. Magkakaroon din ng registration kahit araw ng Sabado at Linggo.
Maaaring dalhin sa pagpaparehistro ang Certificate of Live Birth, Baptismal Certificate at School Records na magpapatunay sa pagkakakilanlan ng botante.
Matatandaang ilang ulit nang binago ng Comelec ang petsa ng pagpapatala para sa SK polls.
- Latest
- Trending