^

Bansa

Basyang lumalakas

- Butch M. Quejada, Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lalo pang lumakas ang bagyong Basyang habang patuloy na tinatahak ang direksiyon ng Northern Luzon bunsod para isailalim sa storm signal ang 32 lalawigan sa bansa.

Ngayong umaga, si Basyang ay sasayad sa kalupaan sa bahagi ng Isabela at Hilagang Aurora.

Sa latest monitoring ng PAGASA, si Basyang ay namataan kahapon ng umaga sa layong 90 kilometro hilagang bahagi ng Virac, Catanduanes taglay ang pinakama­lakas na hanging 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 150 kilometro bawat oras.

Ito’y kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 km bawat oras.

Nakataas ang signal number 3 sa Catan­dua­nes, Camarines Norte, Nor­thern Quezon, Aurora at Polillo Island.

Signal number 2 naman sa Camarines Sur, Northern Quezon, Laguna, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao at Isabela samantala signal number 1 sa Metro Manila, Albay, Marinduque, Batangas, Cavite, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Pangasinan, La Union, Benguet, Mt. Province, Ilocos Sur, Kalinga, Apayao, Abra at Cagayan.

Agad ding kinansela kahapon ng Department of Education (DepE) ang klase mula pre-school hanggang high school sa mga lalawigan na nakataas ang signal no. 2 at no. 3 habang sinuspinde rin ang mga klase sa pre-school at elementarya sa mga lugar na may signal no.1.

Samantala, hindi nakalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na international flights at walong domestic flights dahil sa bagyong Basyang kaya napilitan ang mga piloto nito na sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) lumapag samantala siyam na domestic flights ng Cebu Pacific ang kinansela sanhi pa rin ng masamang panahon.

Ang mga kinanselang flights ay galing Catarman, General Santos, Naga, Calbayog at Legaspi samantala ang international flight ay ang Gulf Air 154 galing Bahrain, Cathay Pacific flight galing Hongkong at dalawang flights ng Cebu Pacific ga­ling Canton at Hongkong na napilitan lumapag sa DMIA.

Ang ilang eroplano naman sa NAIA ay nabalam ng paglapag at pag-alis. 

Samantala, naka-pack na ang mga relief goods na handang ipamigay ng DSWD sa mga bikima ng naturang bagyo.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na hawak na ng mga tauhan sa mga apektadong rehiyon ang halagang P300,000 hanggang P500,000 cash na gagamitin sa pag-ayuda sa mga taong maapektuhan ng kalamidad.

Umalerto na rin ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) laban sa 19 pang bagyo na tatama sa Pilipinas sa taong ito kabilang ang lima hanggang anim na malalakas na kalamidad. Ito’y sa gitna na rin ng pagpasok ng bagyong Basyang, ang ikalawa sa 20 bagyo sa taong ito.

Una nang pinulong ni Pangulong Noynoy Aquino ang NDCC para maiwasan ang malalaking pinsala o sakuna sa oras ng pananalasa ng bagyo. (With trainees Rafael Zapanta/Mary Ann Chua /Mary Joy Mondero)

BASYANG

CAMARINES SUR

CATHAY PACIFIC

CEBU PACIFIC

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

GENERAL SANTOS

GULF AIR

HILAGANG AURORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with