MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Vicente Sotto III na hindi siya boboto kay Sen. Francis Pangilinan sa senate presidency dahil sa magkaiba ang kanilang political alliances.
Sinabi ni Sen. Sotto, kinausap na niya si Sen. Kiko at maybahay nitong si Sharon Cuneta para hindi sila magkaroon ng samaan ng loob.
Wika pa ni Sotto, maging si Sen. Manuel Villar Jr. ay nagsimula na ring kausapin siya subalit wala naman itong direktang sagot kung ito ang kanyang susuportahan.
“Sen. Kiko and I have talked about this a number of times. He knows that there are political implications and I have also clarified with Sharon so that there will be no ill-feelings among us, being friends and relatives, in case we arrive at a decision not to support him,” wika pa ni Sen. Sotto na kabilang sa tinaguriang Angara bloc ni Sen. Edgardo Angara.
Idinagdag pa ni Sotto, tiyuhin ni Sharon Cuneta, bilang magkamag-anak ay dapat maintindihan ni Kiko ang magkaiba nilang political stands kasabay ang pagsasabi na hindi siya ‘welcome’ sa Liberal Party na kinabibilangan ni Kiko.
Kinumpirma din ni Sotto na ang kanyang kaibigang si Sen. Gringo Honasan ay may ganito ding pananaw kaugnay sa senate presidency.