MANILA, Philippines - Nagsimula nang umusad ang election protest na inihain ni dating Senador Mar Roxas na isinampa sa Korte Suprema laban kay Vice-President Jejomar Binay.
Ito ay matapos na atasan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona si Presidential Electoral Tribunal (PET) secretary Atty. Ma. Luisa Villarama na padalhan ng summon si Binay.
Ayon kay SC spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez na, nakasaad sa summon na dapat na magkomento si Binay sa loob ng 10-araw sa oras na matanggap nito ang abiso ng SC kaugnay sa inihaing petition ni Roxas.
Matatandaan na naghain noong Biyernes ng election protest si Roxas sa Korte Suprema,upang kuwestiyunin ang pagkakapanalo ni Binay sa nagdaang May 10 automated elections. ()