Suspension vs PNP-Davao ibinasura ng CA

MANILA, Philippines - Pinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na isailalim sa preventive suspension ang ilang opisyal ng Davao Police kaugnay sa kabiguan nitong masawata ang mga pagpatay ng tinaguriang Davao Death Squad.

Pinaboran ng CA Former Special Sixteenth Division ang inihaing petisyon ng Davao Police, na pina­ngunahan ni Senior Supt. Catalino Cuy. Umabuso umano ang Ombudsman sa pagsuspinde sa mga pulis.

Ayon sa appellate court, ibinase lamang ng Ombudsman sa mga statistical report na may nagaganap na summary executions at ang ilan sa kaso ang naresolba ng mga pulis, Ito umano ay hindi sapat na basehan para sabihing may malakas na ebidensiya laban sa kanila.

Wala umanong naging sukatan sa pagpapasiyang suspendihin ang mga pulis hinggil sa alegasyong naging kapabayaan sa tungkulin.

“..Ombudsman solely relied on raw statistics. If that would serve as an acceptable standard, there will be no reason for the Ombudsman not to place all other police officers in regions where crime rates are higher than in Davao City,” ayon sa 12-pahinang kautusan ng CA.

Show comments