^

Bansa

Walang label na herbal products, ingatan

- Doris Franche-Borja -

 

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng mga reklamong natatanggap ng Food and Drugs Administration (FDA), agad ding nagpalabas ang ahensiya ng advisory kung saan pinaalalahanan ang publiko hinggil sa paggamit ng mga herbal products na walang label.

Sa babala ng FDA na inilabas noong Hulyo 6, nakasaad na dapat na mag-ingat ang publiko sa paggamit ng mga naturang produkto sa posibilidad na may mas masamang epekto sa kanilang kalusugan.

Nakasaad din sa Advisory 2010-007 na ipinalabas ni FDA director Nazarita Tacandong, marami na silang natatanggap na mga reklamo sa paggamit ng mga herbal products.

Ayon kay Tacandong ang mga walang label na herbal products ay indikasyon lamang na hindi ito nakarehistro sa FDA at walang patunay na mabisa ito sa katawan ng isang tao.

Samantala, sasampahan naman kaso ng FDA ang may-ari ng 11 beauty products na napatunayang nagtataglay ng mataas na level ng mercury.

Ayon kay Tacandong maaaring makasunog ng balat ang matagalang paggamit nito bukod pa sa maka-apekto sa atay ng tao.

AYON

BUNSOD

DRUGS ADMINISTRATION

HULYO

NAZARITA TACANDONG

TACANDONG

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with