Robredo, bagong DILG chief
MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si dating Naga City Mayor Jesse Robredo bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang appointment ni Robredo bilang bagong DILG chief.
Ayon kay Sec. Ochoa, ang credentials ni Robredo ang naging batayan ni Pangulong Aquino upang ito ang mapili niyang mamuno sa DILG.
Magugunita na ang DILG post ang target umano ni Vice-President Jejomar Binay subalit itinanggi ng bise-presidente na humingi siya ng Cabinet post kay P-Noy.
- Latest
- Trending