Mayorya ng Pinoy bilib sa PNP

MANILA, Philippines - Pito sa bawat sampung Pinoy ay bilib o tiwala sa ‘performance’ ng Philippine National Police (PNP)  na nagpapatunay na nakabangon na ang imahe ng kapulisan sa bansa.

Sa survey ng Asia-Pacific Center for Research (ACRE) matapos ang May 10 elections, 70.72 percent ng mga Pinoy ang kuntento sa overall performance ng pulisya.

Lumabas din sa survey na 70.31 percent ng mga 4,400 respondents ang “thumbs up” sa performance ni PNP Chief, Director General Jesus Verzosa.

Ikinagalak ito ni Verzosa na sinabing nakabangon ang imahe ng PNP dahilan sa patuloy na ‘transformation program’ sa PNP ang dahilan ng pagtitiwala ng taumbayan sa kapulisan.

Show comments