^

Bansa

Mga buntis, may sakit sa Morong 43 hiling na palayain

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sa ikalimang buwan ng detensyon ng Morong 43, giniit  ng mga kaanak ng mga nakakulong na health workers kay Pa­ngulong Noynoy Aquino na palayain na ang mga ito.

Partikular na hinihiling nila ang paglaya ni Judielyn Carina Oliveros at Mercy Castro na kabilang sa mga inaresto sa Morong, Rizal noong  Pebrero dahil ang mga ito ay buntis at nakatakda na umanong manganak.

Si Oliveros ay takdang manganak ngayong Hulyo samantala si Castro ay sa Oktubre.

Sinabi ni Dr. Julie Caguiat, tagapagsalita ng grupo, na bukod sa dalawang manganganak ay mayroon ding may sakit sa Morong 43 na patuloy na nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Kung talaga umanong rumirespeto sa karapatang pantao ang Aquino administration ay nararapat na bigyan ng pansin ang kalagayan ng mga ito at bigyan ng humanitarian consideration.

Ipinapaalala pa ni Caguiat kay Pangulong Aquino na dinanas din ng pamilya Aquino ang dinaranas ngayon ng mga pamilya ng Morong 43 noong si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino ay political prisoner sa ilalim ng rehimeng Marcos.

AQUINO

BENIGNO

CAMP BAGONG DIWA

DR. JULIE CAGUIAT

JUDIELYN CARINA OLIVEROS

MERCY CASTRO

NOYNOY AQUINO

PANGULONG AQUINO

SI OLIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with