MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City court na mailipat ang Maguindanao massacre suspect na si Andal Ampatuan, Sr. sa V. Luna Medical Center sa QC mula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan upang magpagamot sa sakit na Herpes Zoster at check-up nito.
Nilinaw din na ang sakit ni Andal Sr ay hindi naman katulad ng herpes simplex na isang sexually transmitted disease.
Una nang nagsampa si Andal, Sr. ng urgent motion sa QC Regional Trial Court Branch 221 na humihiling ng kaukulang medical evaluation batay na rin sa rekomendasyon ni Dr. Jubert Benedicto ng Philippine General Hospital na tumingin dito.
“The court hereby resolves to grant the urgent motion,” pahayag ni QC RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes sa kanyang dalawang pahinang kautusan hinggil dito.