^

Bansa

Proteksyon sa kalikasan isinulong ng SBMA

- Ni Alex Galang -

Subic Freeport , Philippines  – Si­ni­mulan ng Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) ang kanilang 2-buwang tree-planting program para sa conservation ng kagubatan, karagatan at kapaligiran sa free port.

Ayon kay SBMA Administrator Armand Arreza, layunin ng tree-planting program na ito na maprotektahan ang ating kalikasan kung saan ang bawat departamento sa SBMA ay dapat makapagtanim ng puno at alagaan ito sa loob ng 3 taon hanggang sa yumabong ito.

“Each day for the rest of July and August, we shall be planting trees first in our  forest areas, then later at the Central Business District to make this area greener,” paliwanag pa ni Arreza.

Nagsagawa din ng mga seminar ang SBMA sa Ecology Center nito para sa tamang pag-aalaga ng puno.

Winika naman ni Amethya dela Llana-Koval, ecology center chief ng SBMA, nakakuha sila ng mahigit 10,000 native seedlings mula sa indeginous areas na kanila ngayong itatanim.

Dahil dito, wika pa ni Koval, nakatipid ang SBMA ng P900,000 para sa nasabing mga seedlings na kanilang itatanim ngayon.

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

AMETHYA

ARREZA

AYON

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

DAHIL

ECOLOGY CENTER

JULY AND AUGUST

KOVAL

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHO

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with