MANILA, Philippines - Bagama’t umiiral ang deployment ban sa mga bansang Afghanistan at Iraq, patuloy pa rin ang pagrerecruit ng mga ahensya sa mga overseas Filipino workers.
Tinuligsa ng grupong Migrante-International ang pagmamalabis ng mga recruitment agencies sa bansa sa pagre-recruit at pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa mga ipinagbabawal na bansa dahil sa kaguluhan roon gaya ng Afghanistan at Iraq.
Magugunita na hindi pa rin inaalis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang deployment ban sa mga nabanggit na bansa dahil na rin sa patuloy na magulong sitwasyon sa lugar.
Ayon kay Migrante-Middle East regional director John Monterona, marami pa rin sa mga Pinoy workers ang ipinadadala sa mga naturang bansa sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno kung saan ginagamit ang United Arab Emirates UAE), Qatar, at Oman bilang kanilang entry points.
Umaapela ang Migrante sa gobyerno na muling rebyuhin ang labor export program ng bansa.