^

Bansa

Recruitment sa OFW's patungong Afghanistan, Iraq patuloy kahit may ban - Migrante

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Bagama’t umiiral ang deployment ban sa mga bansang Afghanistan at Iraq, patuloy pa rin ang pagrerecruit ng mga ahensya sa mga overseas Filipino workers.

Tinuligsa ng grupong Migrante-International ang pagmamalabis ng mga recruitment agencies sa bansa sa pagre-recruit at pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa mga ipinagbabawal na bansa dahil sa kaguluhan roon gaya ng Afghanistan at Iraq.

Magugunita na hindi pa rin inaalis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang deployment ban sa mga nabanggit na bansa dahil na rin sa patuloy na magulong sitwasyon sa lugar.

Ayon kay Migrante-Middle East regional director John Monterona, marami pa rin sa mga Pinoy workers ang ipinadadala sa mga naturang bansa sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno kung saan ginagamit ang United Arab Emi­rates UAE), Qatar, at Oman bilang kanilang entry points.

Umaapela ang Migrante sa gobyerno na muling rebyuhin ang labor export program ng bansa.

AYON

BAGAMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOHN MONTERONA

MAGUGUNITA

MIGRANTE-INTERNATIONAL

MIGRANTE-MIDDLE EAST

PINOY

UNITED ARAB EMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with