^

Bansa

Kris 'di na raw dapat mag-asawa

- Ni Gemma Amargo-Garcia/Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hindi na umano dapat mag-asawa pa ang bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino na si Kris Aquino.

Ito ang payo ni dating Archbishop Oscar Cruz matapos ang kontrobersyal na pakikipaghiwalay ni Kris sa mister na si James Yap.

Paliwanag ni Cruz, kung ang pagbabatayan umano ay ang mga dating nakarelasyon ni Kris, mahihirapan itong makahanap ng kanyang makakasama habambuhay.

Mas nakasentro umano kasi ang aktres sa kaniyang sarili at hindi bilang isang “partner” o kapareha.

Naniniwala rin ang arsobispo na mas mabuti para kay Kris na huwag nang magpakasal sa simbahan dahil mahirap ang annulment. At kung magpapakasal ito mas mabuti umanong sa civil na lang na mabilis ang proseso ng annulment.

Hindi na rin umano nakakagulat pa ang mga rebelasyon ng aktres kaugnay sa kanila ni James dahil si Kris umano ang taong hindi kayang manahimik lalo pa’t isa itong public figure na sa palagay niya ay may obligasyon siyang sabihin sa tao ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

Dagdag pa ng arsobispo na hindi na rin naman mabibigla ang publiko kay Kris kung pagkatapos ng isang relasyon ay may bago na naman itong relasyon at may anak dahil ito umano si Kris Aquino.

Kaagad naman nilinaw ng dating arsobispo na hindi nito hinuhusgahan ang TV host.

“I’m not pronouncing judgment on whether if she is good or bad or whether she is a sinner or a saint, no. I’m not doing that, I’m just talking about her...I repeat based on my experience in the marriage tribunal,” ayon pa kay Cruz na siyang pinuno ng National Appellate Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

DAGDAG

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

NATIONAL APPELLATE MATRIMONIAL TRIBUNAL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with