Spokesman ni PNoy, 3 oras pinaghintay ang media

MANILA, Philippines - Sumablay kaagad ang tauhan ni Pangulong Be­nigno Aquino III matapos paghintayin ng tatlong oras ang Malacañang Press Corps para sa kanyang kauna-unahang press briefing dahil nagpa-inter­byu muna ito sa isang istasyon ng telebisyon.

Humingi naman ka­agad ng paumanhin si Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda sa mga mamamahayag dahil nabigo itong matupad ang kanyang itinakdang media briefing bandang alas-10:30 ng umaga kahapon sa New Executive Building hanggang sa aminin nitong nagpaunlak kasi siya ng interview sa isang mala­king TV station.

“Hindi lamang iisa ang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. Maraming istas­yon ng TV kaya hindi dapat siya pumapabor sa iisang istasyon na todo-suporta kasi ang ginawang pagsu­porta kay Pangulong Noynoy noong eleksyon,” wika ng isang MPC member.

Ayon naman sa isang reporter, mismong taga­pag­salita pa naman ni Pangulong Aquino ang unang bumali sa kautusan ng bagong upong chief executive na walang papa­boran o walang padrino system sa ilalim ng P-Noy administration.

Nauna rito, nagwalk-out naman ang mga photographers kabilang ang mga foreign correspondents na dapat ay mag-cover sa courtesy call ng mga foreign dignitaries kahapon ng umaga mata­pos silang paalisin sa Palasyo dahil hindi daw open for media coverage ito kundi ‘in-house’ lamang.

Show comments