MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain ng election protest si Senator Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay kung saan mismong si President Benigno Aquino pa raw ang nanghikayat sa kaniya na maghain ng protesta.
Pero sinigurado ni Roxas na hindi maapektuhan ng ihahain niyang protesta ang relasyon nina Aquino at Binay.
Ayon kay Roxas karapatan niya bilang isang kandidato ang maghain ng election protest at kuwestiyunin ang naging resulta ng nakaraang vice presidential elections.
Sinabi ni Roxas na sinadya niyang hindi na dumalo sa inauguration nina Aquino at Binay upang hindi makaagaw ng eksena.
Nauna rito, nanawagan si Roxas sa Comelec na magsagawa ng manual na pagbibilang sa mga lugar kung saan posibleng nagkaroon ng dayaan.
Nais ni Roxas na mabilang ang nasa 2.6 milyon null votes lalo pa’t marami ang mga hindi nabilang na boto sa mga lugar na itinuturing niyang balwarte gaya ng Central at Western Visayas.