^

Bansa

Roxas, magsasampa ng protesta vs Binay

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain ng election protest si Senator Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay kung saan mismong si President Benigno Aquino pa raw ang nanghikayat sa kaniya na maghain ng protesta.

Pero sinigurado ni Roxas na hindi maapektuhan ng ihahain niyang protesta ang relasyon nina Aquino at Binay.

Ayon kay Roxas karapatan niya bilang isang kandidato ang maghain ng election protest at kuwesti­yunin ang naging resulta ng nakaraang vice presidential elections.

Sinabi ni Roxas na sinadya niyang hindi na dumalo sa inauguration nina Aquino at Binay upang hindi makaagaw ng eksena.

Nauna rito, nanawagan si Roxas sa Comelec na magsagawa ng manual na pagbibilang sa mga lugar kung saan posibleng nagkaroon ng dayaan.

Nais ni Roxas na mabilang ang nasa 2.6 milyon null votes lalo pa’t marami ang mga hindi nabilang na boto sa mga lugar na itinuturing niyang balwarte gaya ng Central at Western Visayas. 

AQUINO

AYON

BINAY

COMELEC

NAKATAKDANG

PRESIDENT BENIGNO AQUINO

ROXAS

SENATOR MAR ROXAS

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with