Graft vs GMA isinampa!
MANILA, Philippines - Pormal nang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) sina Bayan Muna Representatives Teddy Casino at Neri Colmenares upang imbestigahan si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa maanomalyang NBN-ZTE deal.
Sa 12-pahinang complaint affidavit na inihain nina Casino at Colmenares, sinabi ng mga ito na dapat ng simulan ang imbestigasyon sa mga pananagutan ni Arroyo sa NBN deal at matapos ang imbestigasyon ay dapat bumalangkas ang DOJ ng kaukulang reklamo na isusumite sa Ombudsman.
Kabilang sa mga posibleng nalabag umano ni Arroyo ay ang anti-graft law, code of conduct and ethical standards, paglabag sa government procurement act at paglabag sa apat na probisyon ng revised penal code tulad ng qualified bribery, coruption of public officials, fraud at possession of prohibited interest by a public officer.
Kabilang pa sa mga criminal acts umano ni Arroyo ay ang pag-uutos nito kina dating NEDA Sec. Romulo Neri na aprubahan ang ZTE contract para sa NBN project sa kabila ng mga iregularidad.
Bukod dito nakatanggap din umano ang da ting pangulo ng mga material benefits mula sa ZTE contract ng makipaglaro siya ng golf sa ZTE headquarters.
Bigo din umano si Arroyo na paimbestigahan ang mga iregularidad sa kontrata.
- Latest
- Trending