Palpak na interconnectivity sa LTO at LTFRB, kinondena

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Sama­han ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (Piston) ang umano’y palpak na interconnectivity ng Strad­com Corporation sa pa­gitan ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Re­gulatory Board na pormal na pinasimulan nitong Lunes.

Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng Piston, okey lang sana sa kanilang hanay kung ang interconnectivity ng LTO at LTFRB ay makaka­tulong sa pagpapabilis ng confirmation sa LTFRB at rehistro sa LTO gayundin kung maaalis ang red tape pero dahil sa nangyaring kapalpakan sa unang araw ng imple­mentasyon ng programa ay mas mabuti pa anyang ‘wag na lamang itong ituloy.

Nitong Lunes, koko­lekta na ang Stradcom ng P99 sa kada pampasa­herong sasakyan na ida­daan sa sistema ng kum­panya ang confirmation mula sa LTFRB pero mag­hapong delay ang rehistro ng mga sasakyan dahil nahirapan ang Strad­com na maipasok sa kani­lang sistema ang records ng mga TPL insurance ng mga pampasaherong sa­sakyan.

Bunsod nito, mara­ming bilang ng mga operator ng mga pampasa­herong sa­sakyan ang nagalit dahil malakas pa ang ulan at pagod na sila sa kahihintay ay hindi nairehistro ang kanilang sasakyan na karamihan ay mga sasak­yang may ending 6 na hanggang ngayong araw na ito na lamang ang rehistro na walang multa dahil walang pasok sa Hunyo 30, araw ng inagurasyon ni President-elect Noynoy Aquino.

Binigyang diin pa ni San Mateo na hindi na dapat pang balikatin ng mga operator ng mga pampasaherong sasak­ yan ang P99 kada sasak­yan para sa intercon­nectivity dahil bahagi ito ng administrative responsibility ng LTO at LTFRB para pag­husayin ang ser­bisyo sa publiko.  

Show comments