MANILA, Philippines - May 100 Overseas Filipinos mula United Kingdom, United States, Australia at iba pang bansa na nagboluntaryo sa kampanya ni President-elect Noynoy Aquino at Senator Mar Roxas ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Philippine Airlines flight PR-103 galing Los Angeles, California para dumalo sa inagurasyon ngayong araw.
Pinangunahan ni Wally Reyes, convenor ng US Pinoys for Noy-Mar (Southern California chapter) ang nasabing grupo.
“We campaign hard among our fellow Filipinos in our respective adopted countries to help bring about change in our homeland. It is incumbent upon us to make sure that our new leaders, particularly our new president Aquino, get our support as they live up to their campaign promise to bring about such change,” ani Reyes.
Ang grupo ay magsasagawa ng dalawang araw na convention sa isang hotel sa Manila pagkatapos ng inagurasyon ni Aquino sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Samantala, sinabi ni Manila Intenational Airport Authority (MIAA) General Manager Melvin Matibag na nakataas ang alert status sa mga terminal ng paliparan para tiyakin ang seguridad ng mga matataas na opisyal ng bansa na dadalo sa inagurasyon.