PGMA bibigyan ng parangal ng PCG

MANILA, Philippines - Bibigyan ng parangal ngayon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa huling araw nito sa puwesto ng Philippine Coast Guard (PCG) bago tulu­yang bumaba ito bilang chief executive bukas.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, bibigyan nila ng testimonial parade si Pa­ngulong Arroyo sa PCG Headquarters sa Pier 15, Port Area, Manila dahil sa magandang nagawa nito sa Maritime agency.

Sinabi ni Admiral Tamayo, bibigyan nila ng replica ng Search and Rescue Ship (SARS) na BRP Pampanga si PGMA bilang pagbibigay pasasalamat sa ginawa nito sa modernisasyon ng PCG.

Wika pa ni Tamayo, sa ilalim ng liderato ni PGMA naipasa ang PCG Law na nagbigay ng ngipin sa ahensiya para maipatupad ang maritime safety regulation sa bansa.

Show comments