^

Bansa

Inirekomenda sa DOJ: Hospital arrest kay Andal Sr.

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Bu­reau of Jail Management and Penology (BJMP)  sa Department of Justice (DOJ) na sumailalim sa hospital arrest at maipagamot sa Armed Forces Medical Center o V. Luna Medical Center si dating Maguindanao  Governor  Andal Ampatuan Sr.

Base sa  medical certificate na pinadala sa DOJ panel of prosecutors  ni BJMP Medical officer Supt. Claro T. Mundin, lumitaw sa pagsusuri na ang matandang Ampatuan ay nakakaranas ng sakit na tinatawag na ‘Herpes Zoaster’, isang uri ng sakit na dulot ng vi­rus na kinakitaan ng mga butlig na may  pamu­mu­­tok o pamamaltos ng ba­lat sa likod hanggang sa dibdib nito.

Sinabi ng doctor ng BJMP na kailangan  rin ang patuloy na medical check-up ni Ampatuan Sr., ayon na rin sa kahi­lingan ng consultant mula sa Paranaque Doctors Hospital.

Bago sumailalim sa konsultasyon, si Ampatuan ay limang araw na nakakaranas umano ng pananakit ng likod at dibdib dala ng skin rashes.

Matatandaan na una ng tinutulan ng DOJ ang kahilingan ni  Ampatuan Sr. na hospital arrest.gayunman sinabi ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na hindi nila tututulan ang pahintulot ng korte na sumailalim ito  sa medical checkup.

Sinabi rin ng isa sa abogado ng biktima na si Atty. Michael Mella na kailangan umanong may basehan at kapani-paniwala kung bakit kailangan ang hospital arrest.

Samantala, pawang mga empleyado umano ng pamilya Ampatuan ang pumatay sa isa sa posibleng testigo sa Maguindanao massacre na si Suwaid Upham alyas Jesse.

Ayon kay Atty. Harry Roque, private prosecutor sa Maguindanao massacre, dalawang testigo ang positibong magtuturo sa apat na suspek na pumatay kay Jesse subalit tumanggi munang pangalanan ang mga ito.

Sa kasalukuyan ang dalawang testigo ay nasa kustodiya ng PHilippine National Police (PNP) at nakapag sumite na ng kanilang testimonya kung saan nakasaad umano na ang apat na suspek ay pawang mga empleyado ng pamilya Ampatuan.

Tumanggi naman si Roque na ibigay ang de­talye tungkol sa 4 na suspek at maari lamang umanong kilalanin ang mga ito sa sandaling matapos na ang manhunt operation na isinasagawa ng mga otoridad laban sa kanila.

Nauna nang nagpahayag ang pulisya na tinitingnan nila ang love triangle at clan war sa pagpatay kay Jesse na mariing itinanggi naman ni Maguindanao Governor-elect Esmael Mangudadatu.

Si Upham ay isa sa pitong umanoy gunmen sa malagim na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23,2009  kung saan  57 katao ang napatay kabilang ang mga mi­yembro ng media.

Samantala, hiniling din kahapon sa Court of Appeals (CA) ni suspended ARMM Governor Zaldy Ampatuan na ipawalang bisa ang naunang resolution ni Acting Justice Secretary Alberto Agra na nagbibigay ng go signal sa pagsasampa ng kasong 57 counts of murder kaugnay sa Maguindanao massacre.

Base sa 64 pahinang petition for certiorari ni Ampatuan sa pamama­gitan ng abogado nitong si Redemberto Villanueva,sinabi nito na nagkamali at umabuso sa kapangyarihan si Agra nang baligtarin nito ang kanyang April resolution na nag-aalis kay Zaldy Ampatuan sa naturang kaso.

Iginiit ni Villanueva, na nilabag ang constitutional right to due process gayundin ang procedural right ni Ampatuan nang hindi ito bigyan ng sapat na panahon na pabulaanan ang affidavit ng bagong testigong si Abdul Talusan.

Hiniling din nito na mag­­palabas ang Appellate court ng temporary restraining order para sa May 5 resolution na inisyu ni Agra.

Noong May 5 binaligtad ni Agra ang resolution nito kung saan muli nitong isinama si Zaldy Ampatuan at Mamasapano Mayor Datu Akmad Ampatuan Jr sa kasong 57 counts of murder kaugnay sa Maguindanao massacre noong nakaraang taon matapos na magbigay ng testimonya ang isang Abdul at Takpan Dilon na nagturo sa partisipasyon ng dalawang Ampatuan.

ABDUL TALUSAN

ACTING JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRA

AGRA

AMPATUAN

AMPATUAN SR.

ANDAL AMPATUAN SR.

MAGUINDANAO

SHY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with