^

Bansa

Anti-corrupt drive ng CCW pinuri ni Lim

-

MANILA, Philippines - Pinapurihan kaha­pon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagta­ta­tag ng Citizen Crime Watch sa Task Force Ban­tay Kura­kot nito da­hil napapana­hon anya ito sa kampan­ya ni Pres­­i­­dent-elect Be­nigno Aquino laban sa katiwa­lian sa pama­halaan.

Ang CCW na pina­mu­munuan ng aboga­dong si Jose Malvar Villegas Jr. ay bumuo ng TFBK bi­lang tugon sa panawa­gan ni Aquino na “Kung wa­lang corrupt, walang ma­hirap.”

May 700 miyembro ng CCW ang dumalo sa unang pangkalahatang asemblea ng CCW-TFBK sa Hotel Indanah Manila, Ermita, Manila.

Sa naturang okas­yon, pinapurihan din ni Ville­gas ang adbokasya ni Lim sa transparency at mabuting pama­mahala sa pamama­gitan ng mga anti-graft seminar sa mga pampublikong paaralan sa Maynila.

May 100 volunteer law­yer mula sa University of the East-Law Center sa pangunguna ng pa­ngul­o nitong si Ariel Joseph Arias ang dumalo sa pulong at nangakong tutulong sa kampanya ni Aquino la­ban sa kati­walian.

AQUINO

ARIEL JOSEPH ARIAS

CITIZEN CRIME WATCH

ERMITA

HOTEL INDANAH MANILA

JOSE MALVAR VILLEGAS JR.

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

TASK FORCE BAN

UNIVERSITY OF THE EAST-LAW CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with