AFP blangko pa sa 2 tropa na dinukot ng NPA
MANILA, Philippines - Blangko pa rin ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kalagayan ng dalawang government troop na dinukot ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) kamakailan sa Compostela Valley.
Ito ang pag-amin ni Capt. Emmanuel Garcia, tagapagsalita ng 10th Infantry Batallion ng Philippine Army, dahil wala pa rin anyang ipinapalabas na “proof of life” ang mga teroristang NPA na nagpapatunay na buhay pa sina Staff Sergeant Bienvinido Arguilles, miyembro ng 25th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Job Latiban, miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Ayon kay Garcia, sa kabila nito naniniwala silang buhay pa ang dalawa at hindi sila ginagawan ng kalapastanganan at paglabag sa karapatang pantao ng mga dumukot sa kanila.
“We are doing everything in our capacity to rescue them safety and to bring them back to their families at sana itong mga susunod na araw ay magkaroon tayo ng successful na rescue operation,” sabi pa ni Garcia.
Sina Arguilles, at Job Latiban ay dinukot ng may 30 armadong NPA habang sakay ng isang motorsiklo sa may Sitio Mabatas, Brgy. Upper Ulip.
- Latest
- Trending