Noy kakanta sa street party

MANILA, Philippines - Isang song number ang gagawin ni President-elect Benigno Aquino III bilang handog sa kan­yang mga supporters sa gaga­na­ping street party sa Quezon Memorial Circle sa June 30 ng gabi.

Sinabi ni Maria Monte­li­bano, in-charge sa media affairs ng inagurasyon ni Pnoy, kumpirmadong may song number si Aquino na noong una ay ayaw sana nitong gawin ang kumanta at sumayaw dahil hindi naman ito kasama sa mga aktibidad ng isang presi­dente.

Subalit nakumbinsi na rin si PNoy na gumawa ng surprise number kahit wala itong rehearsal.

Makakasama niya sina Jim Paredes, Gabby Con­cepcion, Anne Curtis, Jed Madela, Gary Valen­ciano at Ogie Alcasid.

Samantala, magda­raos ng banal na misa ang Simbahang Katoliko para kay Aquino at sa ta­gumpay ng administras­yon nito.

Isasagawa ito dakong 7:30 ng umaga sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, sa araw mismo ng inagurasyon nito sa Hunyo 30. Pangungu­na­han ito nina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales, Caloo­can Bishop Deogracias Ini­guez, Nova­liches bishop Emeritus Teodoro Bacani at mga kaparian. (Rudy Andal/Mer Layson)

Show comments