^

Bansa

Lacson magbabalik Pinas na

-

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang buwang pagtatago, naka­takda nang bumalik sa Pilipinas sa susunod na Linggo ang puganteng si Senator Panfilo Lacson kasu­nod ng inagurasyon ni Pre­sident-elect Be­nigno Si­meon “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa isang ma­papa­naligang source ng Star, nasa Malaysia nga­ yon si Lacson at nagha­handa na ng kanyang pag­ba­balik sa bansa gamit ang “backdoor” upang kaharapin ang kanyang kaso.

Siya ay may nakabin­bing warrant of arrest sa Manila Regional Trial Court dahil sa kasong pagpatay kay PR man Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong Nobyem­bre 2000.

Sinabi pa ng source, nagawang magpalipat-lipat ng lugar ni Lacson sa iba’t ibang bansa simula nang tumakas at pumuslit ito sa Pilipinas noong Enero 5, 2010 patungong Hong Kong.

Nabatid na matagal na nanuluyan si Lacson sa China at saka tumulak patungong Europe par­tiku­lar sa Italy at Switzerland bago siya nagtago sa Malaysia.

Hinihintay na lamang umano ni Lacson na por­mal na maluklok si Aquino bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30 bago ang kan­yang pag­ babalik sa bansa, ayon pa sa source.

“Aquino and Lacson are allies. And there is a group within the group of President-elect Aquino that is now facilitating the return of Lacson to the country,” anang source.

Naging madulas si Lacson sa kamay ng National Bureau of Investigation na siyang naata­sang du­makip sa kanya kasa­bay ng pag-alerto sa Interpol community.

Idinagdag ng source na ngayong magiging Pa­ngulo na si Aquino ay tinitiyak na mabibigyan ng “preferential treatment” si Lacson dahil sa pagiging magkaibigan at magka­sangga ng dalawa sa Senado. 

AQUINO

AQUINO AND LACSON

AYON

EMMANUEL CORBITO

HONG KONG

LACSON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILIPINAS

SENATOR PANFILO LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with