^

Bansa

Tulong ng PETC IT vs mauusok na sasakyan, kinilala

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinilala ni Department of Transportation and Communication Secretary Anneli Lontoc ang pagtulong ng Private Emission Testing Center (PETC) IT providers para maibsan ang problema sa mauusok na sasakyan sa mga lansangan.

Sinabi ito ni Lontoc sa ginanap na forum sa Department of Environment and Natural Resources hinggil sa Clean Air Declaration 10 sa DENR office sa QC nitong Martes.

Ang isang sasakyan bago maisyuhan ng certificate of compliance ng pri­­vate emission testing center ay kailangan mu­na itong i-validate sa IT provider ng PETC upang matiyak na hindi ito nan­daya sa pagsusuri ng usok ng sasakyan. Sinabi ni Lontoc na bas­ta’t kung ano ang si­nasabi ng batas para ma­ibsan ang polusyon sa ha­­ngin, ito ay kanilang su­sundin tulad anya ng pi­natinding kam­panya sa emission program, pag­ta­tayo ng anti-smoke belch­ing unit, pag-modernize sa motor vehicle inspection ng LTO, pag­sa­saga­wa ng road side testing ka­sama ang DENR at LGUs para ma-impound ang mau­usok na sasakyan.

Ayon pa kay Lontoc, dapat ding makipagtu­lungan ang mga car owners na maiwasan ang pagkakaroon ng mausok na sasakyan sa pama­magitan ng pag­pa­pasuri ng usok ng sa­sakyan at kung may aberya ay iayos at tiyakin din kung ito ay road worthy.

Sa ilalim ng DOTC joint administrative 1, bi­nibigyan ng ahensiya ng kapang­yarihan ang mga PETC IT providers na ma­kipag­tulungan sa pa­mahalaan para maib­san ang mau­usok na sasak­yan na irerehis­tro sa LTO.

AYON

CLEAN AIR DECLARATION

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION SECRETARY ANNELI LONTOC

KINILALA

LONTOC

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER

SASAKYAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with